Koronadal, 1st Class Component City na!

KORONADAL CITY – PAGKATAPOS ng buwan ng Mayo 2024, maililipat na ang lungsod ng Koronadal bilang 1st Class Component City mula sa 3rd Class Component City sa ilalim ng Republic Act 11964.

Ito ang kinumpirma ni City Mayor Eliordo Ogena kung saan ito umano ang naipublished na sa Official Gazette ng Malacanang na nagpapatibay sa batas na kikilala sa lungsod.

Maaalala, na ilang taon ang nakakaraan nananatili na nasa 3rd Class Component City ang lungsod kung saan asahan ang mga benepisyo, gayundin ang increase sa suweldo ng mga job orders sa lungsod.

Ilan sa mga dahilan nito ay ang pagsusumikap ng lungsod lalong-lalo na ang pagbibigay ng serbisyo sa mga tao lalo na ang sa edukasyon, kabataan, womens, PWD, senior cizens at maraming iba pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *