Koronadal, pasok sa SGLG National Evaluation!

KORONADA CITY – ISA ang City of Koronadal sa 23 na mga local government unit o LGUs sa SOCCSKSARGEN ang napabilang sa National Evaluation ng Seal of Good Local Governance o SGLG.

Ito ang inihayag ni Department of the Interior and Local Government o DILG-12 Regional Director Josephine Leysa sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kung saan pinapahanda na sa lungsod ang Introductory-Audio Visual Presentation ng City of Koronadal na siyang indikasyon na napabilang ang isang lugar sa gaya nitong prestiheyosong ebalwasyon.

Ayon kay Leysa, na noong 2019 nasa lima lamang na mga LGUs ang nakapasok ngunit walang naisagawang awarding noong 2020 at ito ay naibalik noong 2022 kung saan nasa 14 ang dumaan sa national validation at 13 sa mga ito ang awardees.

Kanila umanong himahamon ngayon ang mga DILG Officers gayundin ang bawat Chief Executive ng mga LGUs na doblehin pa ang bilang na ito. Dagdag ni Leysa, ngayong 2023, 23 ang nakapasok ngunit 14 pa lamang ang naghanda ng Introductory AVP samantala siyam pa ang hinihintay ang kanilang estado sa ebalwasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *