Koronadal, wala pang “surge” ng Covid-19; ngunit aktibong kaso posibleng umabot sa 400 sa susunod na 2 linggo!

KORONADAL CITY — POSIBLENG umabot sa 300 hanggang 400 ang mga aktibong kaso ng coronavirus disease o Covid-19 sa lungsod ng Koronadal sa susunod na dalawang linggo.

Ito ang nakikita ni Koronadal City Health Officer Dr. Edito Vego base sa pattern sa huling anim na linggo mula noong unti-unting tumaas ang kaso ng covid-19 sa lungsod.

Sinabi ni Vego na mula Marso 18 kung saan nakapag-tala ang lungsod ng siyam, sinundan ito ng halos 20 matapos ang dalawang linggo hanggang sa umabot na sa 172 noong nakaraang linggo.

Sa kanyang interpretation, domudoble ang kaso sa lungsod kada dalawang linggo at sakaling mapabayaan, posible umanong tumaas ito hanggang 400 sa susunod na dalawang linggo na labis na umanong nakakabahala.

Nilinaw din ni Vego na wala pang “surge” ng covid-19 sa Koronadal, sa halip, simula pa lamang ito ng pagdami. Sa ngayon, ginagawa umano nila ang lahat upang mapigilan ang pinangangambahang surge na posible umanong maging dahilan ng pag-collapse ng mga health care system ng lungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *