Korte, binasura ang mosyon laban sa mga akusado sa pagkawala ng 6 na sabungero

Binasura ng Korte ang mosyon ng proseksyusyon laban sa pagpayag ng Manila Branch RTC na makapagpiyansa ang mga akusado sa pagkawala ng 6 na sabungero sa Maynila.

Sa pitong pahina na desisyon ng Korte sinabi nito na wala silang nakitang dahilan para makumbinsing baliktarin ang unang desisyon.

Masinsinan na umanong natalakay ang argumento ng prosecutor noon.

Ibig sabihin mananatili ang pansamantalang kalayaan ng mga akusado na mga security personnel ng Manila Arena.

Matatandaan na tinakda ng Korte sa P3 milyon ang pyansa para sa bawat akusado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *