Korte – naglabas na ng warrant of arrest laban kay KOJC leader Quiboloy

Kinumpirma ni Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, Chairperson, Senadora Risa Hontiveros na nag-iissue na ng warrant of arrest laban kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy ang Davao Branch 12 Regional Trial Court nitong nakaraang Lunes.

Ito ay matapos hindi makatanggap ang kanilang Korte ng anumang resolusyon tulad ng Motion for Reconsideration mula sa akusado.

Kaugnay nito, positibo si Hontiveros na bilang na ang masasayang araw ni Quiboloy dahil halos umano ng institusyon sa Pilipinas ay gumagalaw na para mapanagot siya.

Ayon pa sa senadora, kung sakaling maaresto na si Quiboloy ay inaasahan niyang makahaharap na ito sa pagdinig ng kanilang komite.

Samantala, patuloy naman din siyang nanawagan kay Quiboloy na huwag nang maag-inarte at harapin na ang kanyang obligasyon sa batas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *