Krimen bumaba mula ng pinatupad ng PNP ang Comelec Gun Ban

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang  maayos at mapayapang Barangay-Sanguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023.

Sinabi ni PNP chief General Benjamin Acorda, Jr. na kanilang siniguro na magpatuloy ang paglingkod ng pulisya sa komunidad nang may integridad.

Dagdag pa nito may naka-standby na 4,429 PNP personnel na naka-assign sa Bangsamoro, Northern Mindanao, at Calabarzon na magsagawa ng mga responsibilidad bilang miyembro ng Board of Election Inspectors (BEI).

Ang naturang lugar umano ay may banta, may historical data ng election-related incidents, political rivalry, at may presensiya ng organized partisan armed groups.

Sa ganitong mga lugar, nagdagdag si General Acorda ng mga personahe upang magbantay sa paligid.

Samantala, mula nang election period noong August 28,2023, nasa 251,592 checkpoint operations na ang naisagawa ng  local poll officers upang ipatupad ang mga probisyon ng related COMELEC resolutions upang mapigilian ang mga ipinagbabawal tulad ng pabitbit ng armas at mga aktibidad na gawin ng mga partisan armed groups.

Sa Talaan ng PNP, nasa 1,103 firearms na ang nakumpiska at 1,479 na ang naaresto simula ng ipinatupad ang comelec gun ban hanggang Oktubre 15, 2023.

Bumaba umano ng 8.4 percent ang index crime volume mula Enero hanggang October 15, ngayong taon mula nang ipinatupad ang gun ban ikumpara sa nakalipas na taon.

Dahil sa patuloy na pagsusumikap na ito, nakamit ng PNP ang 82 percent community satisfaction.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *