Kris Aquino, humihingi ng panalangin para sa mga susunod na buwan

“I refuse to die, I want to stay alive.”

Ito ang sinabi ng Multimedia Star na si Kris Aquino matapos niyang makapanayam ang matalik niyang kaibigan na si Boy Abunda sa kanyang birthday.

Ayon kay Kris, magiging mahalaga para sa kanya ang mga susunod na buwan para sa patuloy nitong pakikipaglaban sa autoimmune diseases.

Lumalabas kasi sa kanyang blood panel na kamakailan ay lumalala ang kanyang kondisyon, matapos bumaba ang kanyang hemoglobin at dumbole ang namamagang bahagi ng kanyang katawan.

Humingi ng panalangin ang TV host actress upang patuloy niya pang makasama at maalagaan ang kanyang mga anak na sina Josh at Bimby.

Lumipad si Kris pa-U.S. noong 2022 at nakatanggap ng malungkot na balita na mayroon siyang apat na kondisyon: ang chronic spontaneous urticaria, autoimmune thyroiditis, at ang pambihirang Churg Strauss EGPA, na isang uri ng vasculitis.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *