Krisis sa Red Sea, naapektuhan ang libu-libong tupa at baka mula Australia

Hinihiling ng mga welfare group ng Australia na palayain ang libu-libong tupa at baka na naipit matapos malihis ang kanilang paglalakbay.

Dahil ito sa patuloy na digmaan sa Middle East at sa pag-atake ng mga rebeldeng Huthi ng Yemen sa Red Sea.

Nagtagal ang 15,000 na hayop ng halos apat na linggo sa barkong MV Bahijah mula nang lumayag sila sa Fremantle, Perth sa Western Australia noong Enero 5.

Dahil sa lumalalang sitwasyon sa Red Sea, nagpasya na lang na bumalik ang barko sa Australia, na nagdulot ng  “cumulative stress” sa mga hayop dahil sa mahaba nilang paglalakbay.

Naglathala ang animal rights activist na Peta Australia ng isang open letter kay Prime Minister Anthony Albanese at sinabing ikinagagalit at ikinahihiya nila ang ginawang panggipit sa mga naapektuhan na hayop dahil sa hindi magandang paglalatag ng plano.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *