Kristine at Oyo Sotto, magkakaroon ng panibagong baby

The baby is on the way!

Inanunsyo ni Kristine Hermosa ang kanyang panibagong pagbubuntis sa kanilang baby ni Oyo Sotto.

Sa isang Instagram post, sinabi ni Kristine na hindi siya makapaniwala na ibe-bless ang kanilang pagsasama ni Oyo ng maraming babies.

Nakakatawa man daw, pero tuwang-tuwa pa rin siya tuwing nagpopositibo ang resulta ng kanyang PT.

Kahit marami na raw itong anak, laging parang 1st time ang kanyang nararamdaman kapag nagiging dalawa ang guhit ng kanyang pregnancy test result.

Sa huli ay nagpasalamat si Kristine sa Panginoon para sa biyayang ibinibigay Nito sa lumalaki nilang pamilya.

Ang bagong baby ng pamilya Sotto ay ang pang-anim nang anak nina Kristine at Oyo.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *