Kumpirmadong kaso ng COVID 19 sa So.Cot provincial jail, umakyat na sa 115

KORONADAL CITY- UMAKYAT na sa 115 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID -19 sa South Cotabato Rehabilitation and Detention Center (SCRDC) batay sa datos ng Provincial Epidemiology Surveillance Unit (PESU) mula Mayo 25 hanggang June 10, 2021.

Sa PESU Bulletin, 100 sa mga nagpositibo ay pawang mga kalalakihan na mga persons deprived with liberty (PDL ) habang 15 naman ang mga jail personnel.

Ang mga nagpositibo ay nakaranas ng ubo at lagnat dahilan kung bakit isinailalim ang mga ito sa RT-PCR test.

Napag-alaman na 110 sa mga ito ay mild cases at isinailalim na sa quarantine habang ang limang pasyente ay na-confine sa South Cotabato Provincial Hospital.

Sa mga admitted patients, apat na ang na-discharge at isa na lamang ang nananatili sa ospital.

Inirekomenda ng Integrated Provincial Health Office (IPHO) ang pagpapatuloy sa active case finding, symptoms-based monitoring, specimen collection at testing, pagpapatuloy ng quarantine, isolation at management ng cases at pamamakuna laban sa COVID 19 sa mga nasa saradong mga lugar.

Batay sa assessment ng PESU, may clustering na nangyayari ngayon sa loob ng jail at maituturing na high risk dahil sa ito ay sarado at overcrowded na lugar. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *