Kumuha ng santol para sa naglilihing partner, nahulog

Sa ospital na nadala ang isang lalaki tapos nahulog sa puno ng santol sa Barangay Macabito, Calasaio, Pangasinan.

Napag-alaman na kumuha ng bunga ng santol ang biktimang si Jun Rey Largo, 22-anyos na hiniling umano ng kanyang partner na naglilihi sa ipinagbubuntis nitong anak.

Pababa na sana si Jun Rey nang nabali ang inaapakan nitong sanga at sa taas nga pagkakahulog nito nabali ang buto sa kanyang braso.

Kinakailangan umanong operahan ang bali ni Jun Rey upan malagyan ng bakal at matanggal ang mga dugong namuo sa kanyang braso.

Humiling naman ang tulong ang partner nito dahil  hirap umano sila ngayon sa kanilang buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *