‘KUPIT-19’ – ‘di dapat ipasa sa mga Pilipino – Kabataan party-list

Nagpahayag ng pagkabahala si Kabataan Partylist National President at incoming Representative Raoul Manuel sa rekomendasyon at isinusulong ng Department of Finance (DOF) na dagdagan ang pagbubuwis sa ilalim ng administrasyong Marcos upang may maibayad sa trilyong pisong utang ng Pilipinas.

Ayon sa mambabatas, kung may dagdag-buwis, dapat na ipataw ito sa mga malalaking negosyo na kumita at yumaman ngayong panahon ng pandemya.

Dagdag niya, dapat na ibasura ang CREATE Law, lalo na ang mga tax breaks na ibinibigay sa malalaking korporasyon.

Kaugnay nito, ipinunto rin ni Manuel na hindi dapat akuin ng mga mamamayang Pilipino ang tinawag niyang ‘KUPIT-19 debt’ ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Aniya, dapat na imbestigahan kung alin sa mga inutang ng pamahalaan ang lehitimo at napakinabangan ng mamamayan.

Sa huli, binigyang diin ng mambabatas na ang pondo mula sa dagdag-buwis ay dapat mapunta sa mga serbisyong sosyal tungo sa pagbangon sa pandemya.(CLAY MARQUEZ)
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *