Kuryente ng Meralco hindi umubra sa Hotshots

Makahulog upuan ang OT game sa pagaitan ng Magnolia Hotshots kontra Meralco Bolts kagabi sa Ynares.

Kinuryente ng Hotshots ang Bolts sa iskor na 97-88 OT para masiguro ang twice-to-beat advantage sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup.

Nanguna si Paul Lee na kumana ng conference-record-high na 20 points at 4 rebounds; habang nag-ambag din si Mark Barrroca ng 20 points, 6 assists, at 5 steals.

Buhat ang ambag ni Chris Newsome na nag-ambag ng 24 points, 5 assits, at 4 rebounds para sa Bolts bago ito gu-mraduate sa overtime.

Nakatakda namang makasagupa ng Magnolia ang Rain or Shine sa Miyerkules sa Araneta.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *