Kuryente sa Panay Island balik-normal na

Nakahinga na ng maluwag ang mga taga-Panay Island ngayong halos balik-normal na ang suplay ng kuryente.

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Iloilo Mayor Jerry Treñas, sinabi nito na hindi pa lahat naibabalik ang kuryente sa Iloilo ngunit may mga ilan ng lugar ang nagsimula ng magkaroon ng kuryente kahapon na tanghali.

Sinabi pa ni Treñas na ang mga ibang residente sa Iloilo ay nagpalipas na ng gabi sa labas ng kanilang bahay dahil hindi kinaya ang init.

Sinisisi naman ng alkalde sa National Grid Corporation of the Philippines ang pagkawala ng kuryente sa nasabing probinsiya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *