Kyle Echarri – maaaring magkaroon ng romantic connnection kay Andrea Brillantes

Kuntento na si ang aktor at singer na si Kyle Echarri sa kung ano ang relasyon nila ngayon sa kaibigan niyang si Andrea Brillantes.

Ngunit nang tanungin kung posible ba itong humantong sa next level, sagot ni Kyle na hindi naman niya sinasara ideya na magkaroon sila ng romantic connection ni Andrea,

Aniya, hindi naman natin pwedeng i-predict ang future sa kanilang relasyon kaya’t hindi niya sinasara ang pinto ng mga possibilities.

Kamakailan ay naglabas ng vlog si Andrea kasama si Kyle, kung saan ginawa nila ang “Jowa for a day” challenge.

Hindi napigilan ng mga fans na kiligin sa chemistry ng dalawa kaya naman nagkaroon ng spekulasyon sa kanilang friendship.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *