Kylie Padilla, ipinaglaban ang pagmamahal niya kay Aljur Abrenica

Ipinaglaban ni Kylie Padilla ang pagmamahal niya kay Aljur Abrenica hanggang sa dulo.

Ayon kay Kylie, ibinigay na nito ang lahat kay Aljur pero sana man lang nagtira siya para sa sarili niya.

Sinabi ng aktres na normal naman talaga mag-away, at magkaroon ng misunderstanding sa isang relasyon dahil kasama iyan sa pangako ng kasal – ika nga ‘for better or for worst.’

Aniya, nagmula siya sa broken family at ayaw niyang matulad sa sarili niya mismong pamilya.

Kahit nahihirapan si Kylie dahil nagdaan siya sa postpartum stage ay ipinaglaban pa rin niya ang kanilang marriage pero hindi naibalik ang love na iyon kaya para sa kanya sobrang sakit.

Hindi raw siya naniniwala sa marriage kaso nanaig iyong kagustuhan nitong magkaroon ng buong pamilya.

Sa isang panayam, tinanong si Kylie kung ano ang nais niyang itanong pagdating sa romantic relationship.

Sagot naman ni Kylie, ‘Bakit nagbabago? Why does love change? Sobrang daming pangako tapos biglang nawawala. ‘

PHOTO COURTESY: Bread and Breakfast

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *