La Salle Green Archers, naghari sa UAAP Season 86 Men’s Basketball

Bumangon ang De La Salle Green Archers matapos ang pitong mahabang taon para angkinin ang kampeonato sa UAAP Season 86 Men’s Basketball Tournament.

Naging madugo ang labanan ng nilakbay ng koponan lalo na sa unang laro ay sinubsob ng UP Fighting Maroons ang Archers sa iskor na 97-67.

Bumawi naman ang La Salle sa Game 2 sa score na 82-60 para maitulak ang Game 3.

Sa first quarter, nanguna ang La Salle sa 22-21 na iskor; habang bumida naman ang UP sa half-time sa 43-39.

Ipinagpatuloy ito ng Maroons sa third quarter matapos ang neck-to-neck na labanan sa 58-55.

Sa fourth quarter, patuloy pa rin na nanguna ang UP hanggang sa nagising ang apoy ng La Salle sa iskor na 70-67 kung saan may natitira pang 20.7 seconds.

Tinapos ng MVP na si Kevin Quiambao ang laro sa dalawang malinis na free throws para sa huling score na 73-69; pabor sa La Salle.

PHOTO COURTESY: UAAP VARSITY CHANNEL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *