Laban ni Pacquiao at Mayweather, pinagpaplanuhan

Kasalukuyan nang pinaplano ang isang exhibition match para sa dating eight-division champion Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr.

Ayon kay Pacman, mayroon siyang exhibition match na nakaplanong gawin sa Japan sa darating na Disyembre.

Nang tanungin kung sino ang kaniyang makakalaban, sinabi nito na Pinoy fighter na mayroon negosasyon sa kampo ni Mayweather.

Maalalang huling naglaban ang dalawa taong 2015, kung saan natalo si Pacquiao via unanimous decision.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *