Labi ng 2 Pilipinong nasawi sa Yemen, hindi pa naaalis sa carrier vessel

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na naiwan ang mga labi ng dalawang Filipino seafarer na nasawi sa missile strike sa Gulf of Aden sa sinasakyang carrier vessel na True Confidence.

Ayon kay Migrant Workers Officer-in-Charge Hans Leo Cacdac, nananatili sa barko ang mga labi ng dalawang Pilipinong namatay dahil tumama ang missile sa fuel section ng barko at nagkaroon ng malaking sunog sa bahaging kinaroroonan ng dalawang Pinoy.

Dagdag pa ni Cacdac, nagkaroon ng emergency evacuation dahil sa laki ng apoy kaya hindi nabalikan ang dalawang nasawing tripulante.

Gayunman, idiniin ni Cacdac na magsasagawa ng salvaging operation.

Inaasahan niya na makakasama sa isasagawang operasyon ang paghahanap sa mga labi ng dalwang Pinoy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *