Labi ng Pinay caregiver na pinatay ng isang menor de edad sa Jordan, darating ngayong araw

Nakatakdang dumating ngayong araw ang labi ng isang Overseas Filipino Worker na si Mary Grace Santos.

Kinumpirma iyan ng Overseas Workers Welfare Administration.

Matatandaang natagpuang patay si Santos sa isang aparador sa basement sa bahay ng kanyang amo sa Jordan.

Ayon sa mga otoridad, ginahasa at sinakal umano si Santos hanggang sa mapatay ito.

Ang suspek ay anak ng katrabaho ng biktima na isang menor-de-edad.

Sa ngayon ay nahuli na umano ang suspek sa pagkamatay ni Santos.

Umuugong naman ang balita na bitay ang ipapataw na parusa rito pero dahil menor de edad ay kailangan pang maghantay ng dalawang taon para sa parusa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *