National

Labi ni CPP founding chairman Joma Sison ipapa-cremate sa Netherlands

Ipa-pa cremate sa Netherlands sa December 27 ang labi ni Communist Party of the Philippines  founding chairmani Jose Maria “Joma” Sison.

Ang cremation ni Sison sa Crematorium Daelwijck sa Utrecht ay magaganap 12 araw pagkatapos niyang mamatay noong December 16 sa edad na 83.

Sinabi ni CPP chief information officer Marco Valbuena, na wala pang talakayan sa pagdadala ng abo ni Sison sa Pilipinas.

Itinatag ni Sison, isang aktibista, ang makakaliwang rebolusyonaryong organisasyon na CPP noong December 1968.

Limang dekada nang inilulunsad ng CPP ang pagrerebelde laban sa gobyerno, kasama ang armadong grupo nitong New People’s Army (NPA) at political arm na National Democratic Front of the Philippines.//CA

BNFM Makati

Recent Posts

Sandy Cays na bahagi ng Pag-asa island sa WPS, nasa ‘degraded state’ na

Nasa degraded state ang Cay 1, Cay 2 at Cay 3 na bahagi Pag-asa Island…

1 day ago

RTWPB – inumpisahan na ang pagre-review sa mga sahod

Nagsimula na ang review ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa mga sahod ng…

1 day ago

Championship games sa Palarong Bicol 2024 – nauwi sa rambulan

NAUWI sa rambulan ang Men's Division Championship-football games sa pagitan ng Masbate City Team at…

1 day ago

Inaasahang rollback sa susunod na linggo – nadagdagan pa ng hanggang sa humigit-kumulang isang piso

Nadagdagan pa ang halaga ng inaasahang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod…

1 day ago

PNP, muling dinepensahan ang pag-aresto sa ‘Mayo Uno 6’

Dinepensahan ng Philippine National Police (PNP) ang pag-aresto sa 'Mayo Uno 6' sa gitna ng…

1 day ago

Defense chiefs ng PH, Japan, US, at Australia – kinundena ang harassment ng China sa WPS

Naghayag ng pangkabahala ang mga Defense chiefs ng bansang Pilipinas, Japan, Estados Unidos at Australia…

1 day ago