Covid Update

DOH, nakapagtala ng 973 na bagong kaso ng COVID-19

Nakapagtala ng 973 na bagong kaso ng COVID-19 ang Department of Health kahapon kaya tumaas ang kabuuang bilang ng kaso sa buong bansa sa 4,056,239.

Ito ang pangalawang pagkakataon sa loob ng limang araw na ang mga bagong kaso ay mas mababa sa 1,000.

Batay sa pinakahuling datus ng DOH, bumaba ang active cases sa bansa sa 17,900 mula sa 18,262 noong Sabado.

Umakyat sa 3,973,910 ang bilang ng mga naka-recover habang nadagdagan ng 30 ang bilang ng mga nasawi na umakyat ngayon sa  65,064.

Ayon sa DOH, ang mga rehiyon na may pinakamaraming kaso sa nakalipas na dalawang linggo ay ang National Capital Region na may 5,841 na sinundan ng Calabarzon na may 2,452 at Central Luzon na may 1,206.//CA

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

16 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

16 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

16 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

16 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

16 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

17 hours ago