Labor group, iginiit na makatarungan ang hinihiling na P750 minimum wage sa NCR

Mariing iginiit ng grupong Unity for Wage Increase Now na makatarungan ang hinihiling nilang dagdag sahod o ‘yung P750 na mimum wage para sa mga manggagawa sa National Capital Region.

Ayon kay Charlito Arevalo, chairperson ng naturang grupo, mahigit tatlong taon na ang nakalipas, wala pang pandemic, simula nang ihain nila ang petisyon na gawing 750 ang wage mula sa 537.

Ipinaliwanag ni Arevalo na ang kanilang pinagbasehan sa nasabing hiling na minimum wage ay ang gastusin ng mga ordinaryong manggagawa.

Mahigit 19,000 aniya ang gastusin ng mga manggagawa sa kanilang mga pangunahing pangangailangansa loob ng isang buwan kung saan hindi na talaga sasapat ang 537 kada araw.

1,072 pesos aniya ang minimum na family living wage, tapos 537 ang tinatanggap na minimum wage at bumaba pa sa 423 dahil sa mga kaltas kaya wala pa aniya sa kalahati para makapamuhay ng disente ang isang pamilya na may 5 miyembro.

Naniniwala rin ang labor group na kapag mayroong sapat na pasahod para sa mga manggagawa, makakatulong din ito sa pamahalaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *