Labor group, nagpasalamat sa pagsang-ayon sa kahilingang legislated minimum wage increase

Nagpasalamat ang isang labor group sa dalawang kapulungan ng kongreso sa pagsang- ayon sa kanilang kahilingang legislated minimum wage increase para sa mga manggagawa sa pribadong sektor.

Maaalalang pumasa sa Senado ang Senate Bill 2534 na layong dagdagan ng P100 ang arawang minimum na sahod ng mga manggagawa.

Samantalang isinusulong naman sa Kamara ang 150 hanggang 750 pesos across-the-board increase sa sweldo ng mga kawani at mga manggagawa sa pribadong sektor, upang makamit ang nakakabuhay na kita.

Ayon kay Partidong Lakas ng Masa President ,Ka Leody de Guzman, kinakailangan nang buwagin ang provincial rate na umano’y pumapabor lamang sa mga kapitalista.

Hanggang ngayon daw kasi ay hirap pa rin ang buhay ng mga manggagawa dahil sa mababang sahod sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *