Laborer, tiklo sa drug buy-bust ops sa Ligao City

LEGAZPI CITY – Tiklo ang isang laborer sa drug buy-bust operation sa Purok 3, Brgy. Tagpo sa lungsod ng Ligao.

Kinilala ang suspek na si alyas “Boyet”, 58 anyos, may asawa at residente ng nasabing barangay.

Ayon sa report, sa nasabing operasyon, kumagat sa pain ang suspek matapos nitong pagbentahan ang poseur buyer ng isang pakete na pinaniniwalaang “shabu” sa halagang PHP500.

Nang magkaabutan na ng drug items at pera, dito na hinuli ang suspek.

Agad namang nagsagawa ng body search ang mga otoridad, kung saan narekober sa kanya ang dalawang piraso ng kaparehong item at perang ginamit sa operasyon.

Ang suspek ay nasa kustodiya na ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *