Lagpas 1K rebelde naitalang sumurender ngayong taon

SORSOGON CITY – May naitatala nang lagpas 1,300 rebelde ang nanumbalik na sa pamahalaan simula sa pagpasok ng taon hanggang sa kasalukuyan, sa lalawigan ng Sorsogon.

Ayon sa ulat ng 903rd Brigade, ito umano ay resulta ng patuloy na pakikipagtulungan at kooperasyon ng iba’t-ibang sangay ng pamahalaan, military, pulis, at kasama na rin ang miyembro ng ilang Communist Terrorist Group (CTG) at mga kamag-anak ng mga ito.

Pinakahuling naiulat ang pagsuko sa lalawigan ng anim na miyembro ng New People’s Army (NPA) na kabilang sa Larangan 1, Komiteng Probinsya 3; sumuko rin ang 2 miyembro ng Milisyang Bayan (MB); at isang high-value individual ng Provincial White Area Committee (WACOM).

Matatandaan na sa pagsisimula ng buwan nang sumuko sa mismong kampo ng militar sa Brgy. Rangas, Juban Sorsogon, ang grupo ng mga rebelde, bitbit ang isang Cal. 38 revolver at pitong cartridge nito.

Kwalipikado namang mabigyan ng mga benepisyong nakapaloob sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ang mga nagbalik-loob na rebelde, bukod sa agarang pinansyal at pangkabuhayang asistensya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *