Lakas–CMD at 7 partido politikal sa Kamara, lumagda sa alliance agreement

Pitong partido politikal sa Kamara ang lumagda ng alliance agreement sa  Lakas-Christian Muslim Democrats o Lakas – CMD upang muling pagtibayin ang kanilang alyansa at pagtutulungan.

Pinanguhan ito ni Lakas – CMD President at House Speaker Martin Romualdez.

Kabilang sa mga lumagda  ang Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban), National Unity Party (NUP), Nacionalista Party (NP), Nationalist People’s Coalition (NPC), Party-list Coalition Foundation Inc. (PCFI), Partido Navoteño, at Centrist Democratic Party of the Philippines (CDC).

Nangako ang mga partido na magtutulong-tulong sa pagsusulong ng legislative agenda ng administrasyong Marcos at susuportahan ang liderato ni Romualdez.

Sa alliance agreement nakasaad na mananatili silang full force hanggang sa pagtatapos ng 19th Congress na maga-adjourned sa 2025.

Nangyari ang pirmahan ng alliance agreement makalipas ang usapin ng kudeta sa Kamara.

Pinagbintangan dito si House Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ngunit itinanggi ito ng mambabatas.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *