‘Lakbay Alalay’ Program ng DPWH, magsisimula na sa Martes

Muling ia-activate ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang kanilang “Lakbay Alalay” roadside assistance program upang tugunan ang inaasahang dagsa ng mga motorista sa mga national roads kasabay ng paggunita ng All Saint’s Day at All Soul’s Day.

Ang naturang hakbang ay upang mapanatili ang magaan na daloy ng trapiko sa malalaking kalsada, lalo pa’t posibleng maraming sasakyan ang bumiyahe ngayong long weekend.

Magdedeploy ang DPWH ng composite teams upang makatulong sa traffic management, habang inutusan na rin nito ang mga regional at district offices na magpadala na ng mga tauhan na may dalang maintenance tools para mag-standby.

Magsisimula ang Lakbay Alalay sa October 31, alas-8 ng umaga hanggang ala-5 ng hapon ng Nov 2.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *