Lakers talo sa Portland, bumulusok sa NBA standing

Patuloy ang pagbaba ng Los Angeles Lakers sa western conference standing ng National Basketball Association.

Mula sa no. 2 seed tuloy-tuloy ang pagbulusok ng defending champion na ngayon ay nasa ika-pitong pwesto na matapos matalo sa tie-breaker game kontra Portland Trailblazers, 106-101.

Nanguna sa panalo para sa Portland si Damian Lillard na humakot ng 38 points habang may 36 points naman si Anthony Davis para sa LA.

Hindi naman nakapaglaro si NBA superstar Lebron James para sa Los Angeles dahil sa injury.

Dahil dito nanganganib ang Lakers na makasama sa play-in tournament na bagong rules ng liga para makakuha ng spot sa NBA playoffs.

Sa bagong patakaran, imbes na outright playoff berth paglalaban pa nang mga nasa no. 7 hangang no. 10 sa NBA standing ang 7th at 8th spot sa playoffs sa Eastern at Western Conference. (LEY BAGUIO)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *