Lalake, kinasama at pinakasalan ang mismong nanay ng asawa niyang namatay

KASALANANG maituturing ng pamilya ni Juda Magarasadzaand ang naging relasyon at pagpapakasal nito sa dating asawa ng namayapa niyang anak na babae na si Rozie.

Ayon sa ulat namuo ang relasyon sa pagitan ng manugang at byenan simula ng lumipat ang asawa ni Rozie na si Felistus sa bahay ni Juda na siyang nanay naman ni Rozie, dalawang buwan matapos ang pagkawala ni Rozie, kung saan doon na umano nagsimulang lumalim ng lumalim ang nararamdaman ng dalawa sa isa’t- isa hanggang sa hindi na nila ito napigilan pa.

Makalipas ang dalawang taon mula sa kamatayan ni Rozie, nagpasiya  na magpakasal si Felistus at Juda, kung saan sari-saring mga pambabatikos at kasuklaman ang kanilang natanggap mula sa kanilang mga kaanak at kapamilya.

Hindi umano lubos maisip ng bawat pamilya kung paano naatim ng dalawa na umibig sa isa’t- isa gayong pareho silang namatayan ng mahal nila sa buhay na pareho pang konektado sa kanila, tila wala na raw natirang respeto ang dalawa sa dating asawa at anak nito.

Dagdag pa ng kanlang mga kaanak na para raw silang asal hayop na hindi man lang binigyan ng kahihiyaan ang kani-kanilang mga  pamilya.

Subalit kamakailan lang ay binawian narin ng buhay si Juda kung kaya’t ang pamilya nito ay sapilitang binawi ang labi ni Juda mula sa puder ni Felistus at hindi na ito pinahintulutan pang makita o malapitan man lang.###CD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *