Local News

Lalaki, arestado matapos mahulihan ng iba’t ibang uri ng baril, mga bala at iligal na droga sa Pio Duran, Albay

LEGAZPI CITY – Arestado ang isang lalaki sa Sitio Matanag, Brgy. La Medalla, Pio Dura, Albay matapos itong makuhanan ng iba’t ibang uri ng baril, mga bala at iligal na droga ng mga otoridad.

Kinilala ang suspek na si Ricky Pelecia y Panteriore, 38 anyos, walang asawa at residente ng nasabing barangay.

Nahuli ito sa pamamagitang sama-samang pwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Albay, kasama ang 93rd SAC-9SAB at Pio Duran MPS, kung saan tinungo ng mga ito ang bahay ng suspek upang isilbi ang search warrant.

Nakuha sa kanya ang isang unit ng itim na original ballistic sling bag; isang unit ng cal. 9mm pistol na may kasamang steel magazine, 9 na basyo ng bala para sa cal. 9mm, isang unit ng cal. 30 M1 carbine rifle at marami pang bala at mga baril.

Maliban dito, nakuha din ang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang “shabu”, at iba pang drug paraphernalia.

Kasong paglabag sa Republic Act No. 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Act ang isasampa sa suspek, at nasa kustodiya na ito ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.

BNFM Legazpi

Recent Posts

DA: makababawi ang bansa mula sa pagbaba ng rice production

Naniniwala si Department of Agriculture Secretary Kiko Tiu-Laurel Jr. na makababawi ang Pilipinas sa produksyon…

24 mins ago

Deniece Cornejo at Simeon Raz – nasa kustodiya na ng BuCor

Nasa pasilidad na ngayon ng Bureau of Corrections (BuCor) sina Deniece Cornejo at Simeon Raz.…

25 mins ago

China – nanindigang ‘di aalisin ang mga barko sa mga teritoryo ng Pilipinas

Hindi sinunod ng China ang utos ng Pilipinas na alisin ang kanilang barko sa teritoryong…

30 mins ago

Ilang senador – gustong isailalim sa military training ang mga criminology students

Nilinaw ni Senate Special Committee on Maritime and Admiralty Zones, Chairperson, Senador Francis Tolentino na…

30 mins ago

Kagamitang pandigma ng rebeldeng grupo, natagpuan sa Gattaran, Cagayan

Narekober noong Martes ng pinagsanib na puwersa ng Mobile Community Support Sustainment Team (MCSST) ng…

32 mins ago

Bilang ng mga magsasaka na apektado ng El Niño, pumalo na sa 80K

Pumalo na sa 5.9 billion pesos ang halaga ng pinsala na dulot ng El Niño…

37 mins ago