Lalaki, arestado matapos manuntok ng enforcer sa Lucban, Quezon

Arestado ang isang lalaki nang suntukin nito ang isang enforcer matapos siyang matiketan sa Barangay 8, Lucban, Quezon nitong Lunes, Abril 29.

Ayon sa report, napansin umano ng enforcer na coding ang ipinapasadang tricycle ng suspek kung kaya nilapitan ito at iisyuhan sana ng traffic citation ticket subalit nagalit ang suspek.

Sinuntok umano ng suspek  sa ulo ang biktima na nagresulta sa kanyang pagkatumba at pagtama ng ulo sa kongkreto.

Samantala, tumakas ang suspek matapos ang insidente subalit naaresto rin ito kalaunan at kasalukuyan nang nasa kustodiya ng awtoridad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *