Local News

Lalaki, arestado sa pagnanakaw ng LPG tank sa Batangas City; kasama, nakatakas

Arestado ang isang lalaki habang pinaghahanap na ang isang kasama nitong isinakay sa tricycle at tinangay ang dalawang tangke ng Liquified Petroleum Gas o LPG tank sa Diversion Road, Brgy. Bolbok, Batangas.

Kinilala ng Batangas City Police Station ang suspek na si Rex Alcera Reales, 29 anyos at tubong Legaspi Albay at residente ng Brgy. Banaba South, Batangas City.

Ayon sa imbestigasyon, isinakay umano ng suspek na si Reales ang dalawang tangke ng LPG sa tricycle (Bangkulong) na minamaneho ng isang hindi pa nakikilalang suspek.

Umaabot sa P5,600 ang halaga ng dalawang tangke na pagmamay-ari ng biktima na si  Jayson Layosa , 39 at residente ng Brgy. Balagtas.

Sinabi sa Brigada Batangas ng imbestigador na si PSMS Teodorico M Magboo na naaresto ang suspek sa ikinasang follow up operation ngunit hindi na naabutan ang kasama nitong nagmamaneho ng tricycle.

Narekober mula sa suspek ang isang tangke ng LPG na kanilang ninakaw.

Nasa kustodiya na ng Batangas CPS ang naarestong suspek at mahaharap sa kasong Theft.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa naturang pangyayari.

BNFM Batangas

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

3 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

3 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

3 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

3 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

3 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

4 hours ago