Lalaki, binaril ng shotgun matapos sawayin ang aso ng kanyang kapitbahay- patay!

PATAY ang isang Belmorie Bonete Ubogan, 26 anyos sa Barangay Culandanum, Bataraza Palawan noong gabi ng Sabado, ika-1 ng Oktubre 2022.

Ito ay matapos siyang barilin ng suspek na si William Marquelencia Suprecencia, 63 anyos na residente din sa lugar gamit ang 12 gauge shotgun.

Sa imbestigasyon ng pulisya, bago ang pamamaril, inihatid pauwi ang biktima galing sa inuman sa kapitbahay nito at doon ay tumahol ang alagang aso ng suspek na sinaway ng biktima.

Walang ano-ano ay biglang binaril ni William ang biktima na agad namatay dahil sa dami ng tumamang bala.

Hindi umano kasi nagustuhan ng suspek ang pagsita ni Belmorie sa alagang aso na mahal na mahal umano ni William.

Samantala, nahuli ang suspek ng Bataraza PNP nang ito ay sumuko sa punong Barangay kahapon na nahaharap sa kasong Murder, ayon kay PMAJ. DHENIES S. ACOSTA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *