Lalaki, dead on the spot sa salpukan ng motor at suv sa Candelaria, Quezon

Isang lalaki ang patay sa salpukan ng motor at SUV sa Maharlika Highway, Barangay Masin Sur, Candelaria, Quezon nitong Lunes, Enero 8.

Ayon sa police report, patungo noon sa Candelaria town proper ang motor na minamaneho ni “Marlon” nang okupahin nito ang opposite lane na nagresulta sa pagsalpok nito sa SUV na minamaneho ni ‘”Felix”.

Dead on the spot ang drayber ng motor habang si Felix naman ay ikinustodiya ng awtoridad para sa pagpapatuloy ng imbestigasyon.

Sa ngayon, patuloy pa ang isasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *