Lalaki na dati nang naharap sa kaso ng droga, nasakote sa drug buy-bust ops sa Lucena City; higit 100k halaga ng hinihinalang shabu, nasabat

Nasakote ang isang lalaki matapos ang isinagawang drug buy-bust operation ng pinagsama-samang pwersa ng mga awtoridad sa Barangay Domoit, Lucena City nitong Miyerkules, Enero 10.

Kinilala ang nadakip na suspek na si alyas “Marco”, 41-anyos at residente ng Brgy. Anos, Tayabas City.

Nasabat kay alyas Marco ang mahigit limang (5) gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit ₱104,000 at ang boodle money na ginamit sa operasyon.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *