LEGAZPI CITY – Patay ang isang 27 anyos na lalaking nagbebenta ng baril sa isinagawang gun buy-bust operation sa Brgy. Banao, Bacacay, Albay.
Kinilala ang nasawing suspek na si alyas “Alwin”, residente ng Brgy. Binanuahan, lunsod ng Legazpi.
Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay PMAJ. Irvin Bellen, Chief of Police ng Bacacay MPS, sinabi nito, gabi nang isagawa ng mga otoridad ang nasabing operasyon kung saan napansin ng suspek na ang kanyang katransaksyon ay isang pulis.
Dahil dito, binunot ng suspek ang baril na revolver upang putukan nito ang police officer ngunit hindi naman ito tinamaan.
Mabilis namang gumanti ang pulis matapos paputukan nito ang suspek na naging dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.
Aabot sa P5,000 ang halaga ng baril na ibibenta ng suspek sa kanyang katransaksyon na pulis.
Ayon pa kay Bellen, kabilang umano sa isang grupo ng magnanakaw sa lunsod ang suspek ngunit nagkataong mag-isa lamang ito sa nangyaring transaksyon.
Maliban pa rito, nagbebenta rin ito ng ilegal na droga at mga armas na hindi lisensyado na kinukuha sa Masbate base sa kanilang natanggap na impormasyon mula sa kanilang intelligence report
BNFM Bicol—NADAGDAGAN na ang kursong pwedeng pag-aralan sa Catanduanes State University (CATSU), sa islang probinsya…
Umabot sa mahigit dalawang daan ang hired on the spot sa isinagawang job fair sa…
GIPAHAYAG sa labaw sa komitiba sa transportasyon nga si Kagawad Dominador Lagare Jr. nga plano…
NAKA KUSTODIYA karon sa Bula Police Station ang duha ka lalaki nga gidakop sa hiniusang…
KORONADAL CITY – UMABOT sa P 281.2 million na halaga ng cash assistance at livelihood…
POSIBLENG sa adlaw’ng Lunes pa pormal nga mapasaka sa kapulisan ang kaso batok suspek sa…