Lalaki na nakipag-party sa Brazil, nakatagal pa ng 4 na araw bago malaman na may tama ng ligaw na bala ang ulo

Likas sa atin ang masugatan lalo’t noong panahon ng ating kabataan.

Minsan nga hindi natin namamalayan na mayroon na pala tayong sugat dahil sa paglalaro at pagsasaya kung saan man.

Kamakailan lamang, mayroon ding pangyayari na hindi inaasahan habang nagsasaya ang grupo ng magkakaibigan sa Brazil.

Tinamaan kasi ng isang ligaw na bala ang isa sa mga lalaki dito na nagngangalang Mateus Facio.

Sa una, inakala niya lamang na bato ang tumama sa kaniyang ulo habang nagkakasiyahan sa party.

Agad namang napahinto ang pagdurugo nito dahil sa mayroong doktor sa lugar ng pinangyarihan.

Kinabukasan, nag-party pa ito at nag-swimming at makalipas ang apat na araw marami pa itong pinagkaabalahan hanggang sa sumakit ng lubha ang kaniyang ulo.

Dahil rito agad siyang pumunta sa pinakamalapit na ospital at agad na isinailalim sa CT scan at dito na nga napag-alaman na may bala pala sa kaniyang ulo.

Dahil rito, agad siyang inoperahan at naging matagumpay naman ito.

Sa ngayon, nagpapagaling na ang pasyente at pagkatapos ng isang buwan ay maaari na muli itong makabalik sa kaniyang mga pinagkakaabalahan sa buhay.###WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *