Hinuli ng mga baranggay tanod sa Moreno Block 1 Purok Pinagpala Barangay San Manuel, Puerto Princesa ang isang 19 anyos na kinilalang si Jose Manuel Heredero.
Ito ay matapos siyang ireklamo ni Mrs. Via Vargas dahil naabotan daw nito na natutulog sa loob ng kanyang bahay si Heredero at isa pang lalaki kahapon ng umaga, ika-12 ng Enero.
Ayon sa kwento ng ginang ay nagulat na lamang siya nang magising at makitang may dalawang lalaki na natutulog sa kubo sa kanyang bakuran habang nasa impluwensya ng alak kaya agad siyang nagsumbong sa pulisya.
Pero depensa ni Heredero na hindi siya matutulog at isa pa niyang kasama sa loob ng bahay kung hindi pumayag ang anak na babae ng may-ari. Wala rin aniya siyang masamang hangarin sa pagpunta sa lugar.
Sa huli ay nagdesisyon ang may-ari ng bahay na patawarin na lamang sa nagawa si Heredero.
KORONADAL CITY – TUTULONG si Senator Christopher Lawrence “Bong” Go upang mapabuti pa ang serbisyo…
CAMARINES SUR- Sinang-ayunan ng ilang guro sa Camarines Sur ang iminumungkahi ng Department of Education…
Nakatanggap ang Sorsogon Police Provl Office (SPPO) mga kagamitan na mahalaga sa misyon para sa…
LEGAZPI CITY - Bumisita sa lalawigan ng Albay si House Speaker Martin Romualdez upang tingnan…
Patay ang usa ka driver homan aksidenteng nalatayan sa truck pasado alas 9 kagahapon sa…
Kinakiligan ng mga netizens ang viral gender reveal party ng magkasintahang sina Denzel Batocabe at…