Lalaki nabiktima ng basag-kotse sa Lipa City; P160k na halaga ng mga gamit, natangay

Natangay ang nasa mahigit P160,000 na halaga ng mga gamit ng isang lalaki na technical sales ng isang kumpanya matapos na mabiktima ito ng Basag-kotse sa Lipa City, Batangas.

Ayon sa naging imbestigasyon ng Lipa City Police Station, alas-7:30 ng gabi ng Hunyo 10 ng pumunta ang biktima kasama ang kanyang mga kaibigan sa isang restaurant sa Lipa City para maghapunan.

Ipinark ng naturang biktima ang kanilang dalang sasakyan sa tabing daan ng JP Laurel Highway, Brgy. Balintawak ng nasabing bayan.

Bandang alas-8:20 ng gabi ng balikan ng biktima ang sasakyan ng mapansin nito na basag ang kanang bintana sa unahan.

Kaagad nitong tiningnan ang loob ng sasakyan at dito niya nadiskubre na nawawala ang ilan sa mga gamit nito.

Natangay ng hindi pa nakikilalang suspek ang kulay asul na fabric laptop bag na naglalaman ng laptop na inisyu ng kumpanya na nagkakahalaga ng P100,000,  isang laptop na pagmamay-ari mismo ng biktima na nagkakahalaga naman ng P55,000, isang hard drive, company ID at mga documento maging ang sling bag na naglalaman ng isang calibre 9mm na baril.

Sa ngayon ay nagsasagawa na ang mga awtoridad ng operasyon para matukoy at makilala ang naturang suspek sa krimen.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *