Lalaki nakuhaan ng baril sa bayan ng San Vicente, Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Isang 65 anyos na lalaki ang nakuhaan ng kalibre 38 na baril matapos magsagawa ng Search Warrant Operation ang mga operatiba mula sa Provincial Intelligence Unit (PIU) at Camarines Norte 1st Provincial Mobile Force Company dakong 9:55 ng gabi nitong Mayo 25, 2021 sa Purok 2, Barangay Cabanbanan, San Vicente, Camarines Norte.

Ang suspek ay nakilalang si RODOLFO SAL y Dasco, 65 taong gulang, magsasaka, may kinakasama, at residente ng nabanggit na lugar.

Si SAL ay inaresto sa loob ng kanyang tahanan sa bisa ng Search Warrant No. D- F-26-2021 para sa paglabag sa Article 5, Section 28 ng RA 10591 na ipinalabas ni Honorable Evan D. Dizon, Executive Judge of RTC Branch 40, Hall of Justice, Daet, Camarines Norte na may petsang Mayo 24, 2021.

Nakuha sa suspek ang isang (1) kalibre 38 na rebolber na walang serial number at anim (6) na bala para sa nabanggit na baril.

Ang arestado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng San Vicente MPS habang inihahanda na ang karampatang kaso laban sa kanya.

Ang nasabing operasyon ay alinsunod sa pagsasagawa ng Enhanced-Simultaneous Anti-Criminality Operations (E-SACLEO) ng Camarines Norte Police Provincial Office.

Naisagawa ang operasyon bunsod sa isang impormasyon na mula sa concerned citizen sa pamamagitan ng E-SUMBONG, Sumbong Mo, Aksyon Ko, na programa ni Chief PNP PGen Guillermo Lorenzo T Eleazar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *