Lalaki – nang-holdap ng P55 sa bangko

Hinoldap ng isang lalaki ang isang bangko sa 300 South Main Street sa Salt Lake City para sa halagang $1 (‘o P55 nang mangyari ang insidente).

Pinasok umano ng isang 65-anyos na lalaki ang Wells Fargo Bank at nag-abot ng note sa mga teller ng bangko, na sinasabing hino-holdap niya ito at humihingi ng isang dolyar.

Bagaman nalilito, sinunod ng mga teller ang ‘hiling’ ng suspek at umaasang aalis din ito agad.

Subalit pagkatapos ng paghohold-up hiniling ng suspek sa teller na tumawag ng pulis at hihintayin niya ito sa loob ng lobby ng bangko.

Nagpahayag pa ng pagkabagot ang suspek dahil matagal umanong dumating ang mga otoridad.

Pagdating ng mga pulis agad na ini-abot ng suspek ang one dollar na kanyang hinoldap at humiling na gusto niyang makulong sa federal prison.

Kung hindi umano siya ikukulong sa federal prison ay mangho-holdap ulit siya kapag makalabas siya ng kulungan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *