Lalaki natagpuang patay sa Camarines Sur

CAMARINES SUR – Wala ng buhay ng matagpuan ang bangkay ng isang lalaki sa Lagonoy Camarines Sur kahapon Pebrero 4 ng taong kasalukuyan.

Nagasaad sa ulat ng pulisya na bandang 3:30 ng hapon ng magsagawa ng Retrieval Operation ang mga tauhan ng PNP, MDRRMO Lagonoy kasama ang opisyal ng Barangay tungkol sa bangkay na nagpuan malapit sa ilog ng Barangay Loho, naturang bayan.

Nakita ng isang mangingisda sa niyogan kung kaya’t ipinaalam sa kinauukulan, agad nagtungo ang mga awtoridad sa lugar at ng pagdating nailipat na ito sa tabing kalsada.

Ayon sa mga nakakakilala, may sakit umano na hypertension ang biktima, at ng suriin walang nakita na ano mang sanhi ng ikinamatay.

Naniniwala naman ang kaanak ng biktima na walang foul play sa pagkamatay ng biktima.

Naiturn over na ang bangay sa pamilya nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *