Lalaki, natagpuang patay sa inuupahang kuwarto sa Milaor, Camarines Sur

CAMARINES SUR- Wala nang buhay ng madiskobre ang isang lalaki sa inuupahang apartment nito sa Milaor, Camarines Sur nitong Sabado , Enero 27, 2024.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PMAJ Venchito Cerillo, Chief of Police ng Milaor Municipal Police Station, sinabi nitong bandang alas-12 ng tanghali nakahandusay na sa sahig ang 41-anyos na tricycle driver na si “Nestor” , nang madatnan ng mga otoridad at may tama sa ulo. Enero 27, bandang alas 10 ng umaga nang huling makita ang lalaki na bumaba sa kaniyang tricycle.

Batay naman sa kanilang pag-iimbestiga at nakuhang impormasyon mula sa landlord pati sa mga katabing kuwarto , Enero 26 ng gabi bago nangyari ang insidente, nagkaroon ng personal na alitan ang lalaki at sa kinakasama nito. 

Sa ngayon, hinihintay pa rin ang resulta ng autopsya at mga medical laboratory ng biktimang residente ng Naga City habang patuloy pa ring pinaghahanap ng pulisya ang kinakasama upang makunan ng pahayag ukol sa pangyayari.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *