Lalaki, nilait at minura umano ang kainuman; sinaksak, patay

Patay ang 49-anyos na si Lorenzo Estigoy Gitba nang saksakin ng kanyang kainuman bandang alas-dos ng madaling araw kanina (February 20) sa Sitio Tagdao, Barangay Ipilan, Narra, Palawan.

Ang suspek ay si Argie Lazarte Bagacay, 27-anyos residente ng Purok Centro, Brgy. Tagusao, Quezon.

Ayon PNP, nag-iinuman ang dalawa kasama ang iba pang katrabaho nang magkaroon ng pagtatalo bago humugot ng kutsilyo sa bewang si Argie at inundayan ng sasak si Lorenzo.

Kwento umano ng suspek sa pulisya, hindi nito natiis ang panlalait at pagmumura sa kanya ng biktima kaya niya ito sinaksak.

Kaugnay nito, nagtamo ng saksak sa dibdib ang biktima at agad binawian ng buhay.

Samantala, hawak na ng Narra PNP si Argie na mahaharap sa kasong Homicide.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *