Lalaki, patay matapos mabundol ng motor sa Calauag, Quezon

Patay ang isang lalaki matapos itong mabundol ng motorsiklo sa Barangay Doña Aurora, Calauag, Quezon nitong Miyerkules, Pebrero 7.

Ayon sa police report, tumatawid umano noon ang biktimang si “Jimmy”, 45-anyos, nang mabundol ito ng motor na minamaneho ng 17-anyos na binata na nasa ilalim umano ng impluwensya ng alak.

Dead on arrival sa hospital ang biktima habang ang driver naman ng motor nagtamo ng mga injury.

Sa ngayon, bukas ang magkabilang panig na magkasundo sa mga usapin hinggil sa insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *