Lalaki, patay matapos malunod sa Balete, Batangas

Wala ng buhay ang isang lalaki ng matagpuan ito ng mga mangingisda sa may lawa  sa Brgy. Sala Balete, Batangas.

Kinilala ng Balete Municipal Police Station ang biktima na si Allan Malate, 35 anyos at residente ng  Brgy. Pasong Kawayan, General Trias Cavite.

Ayon sa naging pahayag ni PCpt. Ricky Gonzalez ng nasabing himpilan sa Brigada News Fm Batangas, alas-2:30 ng madaling araw ng Hunyo 12 ng magkayayaan ang biktima kasama ang kaniyang mga kaibigan na magpunta  sa lawa matapos ang kanilang inuman.

Bandang alas-3 ng umaga ng kaparehong araw ng mapansin ng mga kasama ng biktima na nawawala ito.

Sinubukan ng mga ito na hanapin ang biktima subalit bigo ang mga ito na makita at pinaniwalaan na nalunod na ang kanilang kasama.

Kina-umagahan ay inereport na ng mga kasama ng biktima sa nasabing himpilan na nawawala ang kanilang kaibigan.

Subalit, wala nang buhay ang biktima ng matagpuan ito ng mga mangingisda sa naturang lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *