Lalaki, patay matapos pagbabarilin sa Lucena City

Patay ang isang lalaki matapos umano itong pagbabarilin sa Barangay 8, Lucena City nitong Lunes, Pebrero 12.

Ayon sa police report, bandang alas-2:50 ng madaling araw nang marinig ng isang saksi ang boses ng lalaki habang nagsasabi ng “Hindi ako yon.” na sinundan ng putok ng mga bala.

Nang sumilip ang saksi ay doon na nito nakita ang isang anino habang umaalis sa crime scene.

Samantala, dinala naman ng mga rumespondeng awtoridad ang biktimang si “Noel”, 47-anyos sa hospital subalit binawian rin ito ng buhay habang sumasailalim sa gamutan.

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *