Patay ang isang lalaki matapos pagsasaksakin ng kanyang kainuman sa Sariaya, Quezon nitong Linggo, Mayo 23.
Ayon sa imbestigasyon ng Sariaya PNP, nagkaroon na mainit na pagtatalo ang biktimang si Modesto Masilang, 43 anyos at suspek na si Rommel Ilagan, 33 anyos habang nag-iinuman sa Sitio Riles, Brgy. Antipolo dakong 6:40 ng gabi.
Umuwi umano si Ilagan sa kanilang bahay ngunit sa kanyang pagbalik ay may dala na itong balisong na siyang ginamit sa pagsaksak kay Masilang.
Nagawa pa umanong tumakas ng biktima ngunit hinabol pa siya ng saksak ng suspek.
Sinubukan pang isugod ng MDRRMC Sariaya si Masilang sa Lucena United Doctors Hospital pero idineklara ring dead on arrival.
Samantala, naaresto naman si Ilagan sa bahagi ng Brgy. Balubal at mahaharap sa kasong Homicide. | via Brian Zagala, BNFM Lucena
Tinawag na 'absolute nonsense' ni Atty. Salvador Panelo na nagsilbing chief presidential legal counsel ni…
HUGOT gibawal sa labaw sa Traffic enforcement unit o TEU ang mga naga-illegal parking sa…
Umapela ang Philippine National Police (PNP) kay dating senador Antonio Trillanes na ilayo sila sa…
Nasa 104 na mga barko ng China ang namonitor ng Philippine Navy sa 7 isla…
Inanunsyo ng National Irrigation Administration na magbebenta sila ng P29 kada kilo ng bigas simula…
Kinokonsidera ng Pilipinas na magsagawa na lang ng mga aerial mission para muling mag-supply sa…