Lalaki patay matapos pagsasaksakin ng kainuman sa Sariaya, Quezon

Patay ang isang lalaki matapos pagsasaksakin ng kanyang kainuman sa Sariaya, Quezon nitong Linggo, Mayo 23.

Ayon sa imbestigasyon ng Sariaya PNP, nagkaroon na mainit na pagtatalo ang biktimang si Modesto Masilang, 43 anyos at suspek na si Rommel Ilagan, 33 anyos habang nag-iinuman sa Sitio Riles, Brgy. Antipolo dakong 6:40 ng gabi.

Umuwi umano si Ilagan sa kanilang bahay ngunit sa kanyang pagbalik ay may dala na itong balisong na siyang ginamit sa pagsaksak kay Masilang.

Nagawa pa umanong tumakas ng biktima ngunit hinabol pa siya ng saksak ng suspek.

Sinubukan pang isugod ng MDRRMC Sariaya si Masilang sa Lucena United Doctors Hospital pero idineklara ring dead on arrival.

Samantala, naaresto naman si Ilagan sa bahagi ng Brgy. Balubal at mahaharap sa kasong Homicide. | via Brian Zagala, BNFM Lucena

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *